Thursday, April 18, 2019

Ang Minimalismo Ayon sa Aking Pananaw

Ako ngayon ay kasalukuyang nasa proseso ng pagbabagong buhay tungo sa minimalismo o pagiging minimalista. Madalas akong nanonood ng mga Youtube videos tungkol dito. Nauna akong na-enganyo nung nabasa ko yung mga articles ni Leo Babauta sa zenhabits.net. May mga bagay na nakasanayan ko nang ginagawa ng hindi ko namamalayan pero may mga bagay din na medyo hindi ako makarelate dahil na din sa pagkakaiba ng estado sa buhay.

So ano nga ba itong minimalismo?

Ang minimalismo sa aking pananaw ay ang hindi paghangad o pag-akumula ng mga bagay na hindi naman kailangan para mabuhay ng marangal. Madalas ito ay naihahalintulad sa mga materyal na kagamitan pero maaari rin itong maiugnay sa pagiging sobra sa ibang bagay na pinaglalaanan natin ng oras (ie. social media, etc)

Hindi ba natural nang minimalista ang karamihan Pilipino dahil sa estado nila sa buhay?

Isang malaking HINDI. Sa aking obserbasyon, yung kulang pa sa resources ang madalas mag-aksaya o bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan. Guilty din ako dito. May pagkakataon na nagtataka ako kung bakit napagkakasya ng isang kaopisina ko yung sweldo namin sa pamilya niya na minsan ay kulang pa para akin na single (at that time).

Minimalism is not deprivation. Oo at iba-iba nga tayo ng pinanggalingan. Pero ang bawat isa ay may pangunawa kung ano ang mahalaga sa buhay nila. Sa pangunawang ito mabubuo kung ano ang ating mga tunay na pangangailangan. Dito tayo magsimula, sa pagiging totoo kung ano talaga ang mahalaga sa buhay natin. 

I'm giving myself this week to think about what are the most important in my life right now and who I really want to be . Inaanyayahan din kitang samahan ako sa pagtuklas at  paglakbay sa pagiging minimalista.

See you in the next few days.

For the mean time, you can start exploring minimalist sites like:
 https://zenhabits.net/  at https://www.becomingminimalist.com/










No comments:

Post a Comment

Ang Minimalismo Ayon sa Aking Pananaw

Ako ngayon ay kasalukuyang nasa proseso ng pagbabagong buhay tungo sa minimalismo o pagiging minimalista. Madalas akong nanonood ng mga Yout...